Tag: Solar Energy

  • Liwanag sa Bundok: Solar-Powered Study Centers Itinayo ng Buenas Cares sa mga Off-Grid School sa Albay

    Ipinagdiwang ng mga mag-aaral at guro sa liblib na barangay sa Guinobatan at Malilipot, Albay ang opisyal na pagbubukas ng kanilang kauna-unahang Buenas Cares Solar Learning Hubs.

    Dahil walang maayos na suplay ng kuryente sa kabundukan, matagal nang nahuhuli ang mga bata sa paggamit ng digital education tools. Sa pamamagitan ng proyektong ito, nilagyan ng solar power system ang bawat eskwelahan na kayang magpagana ng mga desktop computer at educational learning kits.