Isang pagpupugay sa sipag at tiyaga ng mga Filipinong solo parents ang naging tema ng graduation at distribution ceremony ng Buenas Cares Balik Buhay Project sa Cebu.
Matapos ang dalawang linggong masinsinang pagsasanay sa bookkeeping, customer service, at inventory management katuwang ang DTI micro-enterprise mentors, opisyal nang tinanggap ng mga benepisyaryo ang kanilang panimulang grocery inventory packages.